Friday, January 18, 2008

I'm So Tired of Being Here...

Nagkita kami kahapon ng barkadahang walang kupas. Si Dei, si Bestfriend at ako. Kulang ang all-star cast pero ganun naman talaga. Madalang kaming mabuo. Conflict sa schedule. Conflict sa kung anu-ano pang bagay.

We had dinner then coffee. Siyempre, ang lola, isang tabong brewed coffee ang nilaklak. Kaya heto. Half day na naman dahil hindi makatulog agad. Gising magdamag kaya tulog pagsikat ng araw. Taong zombie na naman.

Imagine, this June 2, ten years na ang barkadahang walang kupas. Mula sa mga walang kamuwang-muwang sa mundong college freshmen na may baduy na blouse, kulot na buhok at maroon na pantalon, to young professionals na may sari-sarili ng ATM. After one decade, ayun, nagpapakalunod sa kape at usok ng yosi habang binabalik-balikan ang mga kalokohang ginawa at hindi ginawa noon.

Fast-paced. Ang daming nagbago. Bukod sa rebonded at super straight na buhok, makintab na gintong blouse, kalbong ni Dei at tongue ring, may mga pagbabago ring nakamamangha. For one, wedding bells will just keep on ringing this year upto next year. At siyempre, kasabay ng pagpapalit ng status ay ang dalawang linya sa pregnancy kit na isang naghuhumiyaw na ebidensyang isa ka ng magulang.

Anong koneksyon sa title? Dahil makalipas ang isang dekada, I’m still here. Nawala lang ang kulot na buhok, nadagdagan lang ang timbang at nakabili lang ako ng gintong blouse pero I’m still the same. At sa totoo lang I’m so tired of being here.

Happy ako para sa mga friendships na nagmo-move-on sa panibagong phases ng mga buhay nila. Pero para sa sarili ko hindi. Sabi nga ni Britney Spears, “my loneliness is killing me…” Hindi na ako magpapakaplastik. Naiinggit ako kasi masaya sila. Dahil sa araw na ito at sa mga susunod pa, wala akong kasiguraduhang magiging masaya rin akong katulad nila.

When all of them talks about wedding motiffs, souvenirs, dates, sex and babies, I’m still here wondering how that feels like and would I ever have that? Ewan ko. Hindi naman ako affected nito dati. But last night changed the way I see things. Hindi na kami bata. In fact, kaya na naming lahat gumawa ng bata. Hindi na kami inosente. Hindi na kami college. Wala na kami sa unibersidad. Shit! Totoong buhay na ito.

Si She magkaka-baby na at ikakasal na. Si Mars, ikakasal na rin this year. Si Bestfriend at si Jowa ikakasal naman next year. Wedding planner pa nga ako, eh. Lahat sila magkakanya-kanyang buhay na. Lahat sila next level na. Eh, ako? I’m still stuck here.

Hindi ko alam kung may nakakaintindi ba sa nararamdaman ko. The fact kasi na alam kong malaki ang possibility na hindi rin nila ako maintindihan kapag sinabi ko sa kanila ang nararamdaman ko, saddens me. I’ve never felt so alone right now. I was used to have someone na napagsasabihan ko ng lahat. Pero siyempre si Bestfriend iba na ang concerns niya. Ibang level na kumbaga. And the fact that she is perfectly happy with her life right now will make it hard for her to understand what I feel.

To make it sound more old school, pakiramdam ko naiiwan na ako ng biyahe. Hindi naman sa tipong matandang dalaga feeling. Ang ibig kong sabihin feeling napag-iiwanan na ako ng mga pangyayaring dati-rati, halos sabay-sabay naming pinagdaraanan lahat.

Like si She. Magkaka-baby na siya. Iba na ang magiging concerns niya sa buhay. Iyong madalang pa sa patak ng ulan namin siyang makasama, mas dadalang pa iyon dahil siyempre magiging isang dakilang ina muna siya. Si Bestfriend, siyempre when she gets married hindi na ako pwedeng maki-crash sa bahay nila. Hindi na rin ako pwedeng umentra at umekstra sa lahat ng lakad niya. Dahil may iba na siyang makakasama. May iba na siyang tatakbuhan at maasahan.

And where does that left me?

Selfish ba pakinggan? Natatakot lang kasi ako. Akala ko nun kaya ko mag-isa. Pero mahirap pala. Lalo na kapag inatake ka ng depression. Kapag tinamaan ka ng lungkot. Tulad ngayon. Ang saklap pa singkwenta pesos lang ang laman ng wallet ko. So gustuhin ko mang magpakalasing para lunurin ang depression o kaya ay magliwaliw para libangin ang sarili, hindi ko magawa. Money can’t buy you happiness nga siguro. But it can help you cope with misery. Kaya nga depressing kasi wala na akong pera, miserable pa ako.

Konting tiyaga lang. Pagtiyagaan mo na lang muna ang mga reklamo ko sa buhay. Hindi naman ako laging ganito. May mga araw lang talaga na tulad ngayon. Masayahin naman akong tao. Madali rin akong pasayahin. Masarap lang na pagkain masaya na ako. I-roadtrip mo lang ako kuntento na ako. Marami ring bagay na maaaring magpasaya sa akin. Pero kapag tinamaan talaga ako ng depression, parang wala ng bukas.

So, ano ba talagang gusto ko?
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Boyfriend? Sige, walang halong plastikan. Why not? Gusto ko rin maranasan iyong happiness and contentment na nakikita ko kay Bestfriend at kay Jowa. Gusto ko rin may yayakap sa akin when I badly need a hug. Gusto ko rin siyempre may lalambing sa akin, may susuyo sa akin, may mag-aalala. Gusto ko rin siyempre ang may ka-date kapag Valentines, may nagreregalo kapag monthsary, may nagsu-surprise kapag birthday. Gusto ko rin iyong may nagsasabi sa aking kumain na ako at matulog na ako. Gusto ko rin iyong may pinagtatampuhan paminsan-minsan. Gusto ko rin iyong hahawak sa kamay ko. Actually that’s the best part. I want someone to hold my hand. Hanggang maging kulubot at tuyot na ang balat ko, gusto ko meron pa ring ka-holding hands.

Pero kagaya nga ng sabi ni Dei, takot ako sa multo na hindi ko pa naman nakikita. Dahil natatakot akong masaktan. Natatakot akong umiyak. Natatakot akong ipagpalit sa iba. Natatakot akong paglaruan lang at gamitin na parang basahan. Natatakot akong iwan. Natatakot akong papaniwalain sa isang kasinungalingan. Kahit hindi ko pa nasusubukan, pero natatakot ako.

At isa pa, as if my choice ako. Kung ang jowa nga ba ay napupulot sa kalye. Kaso hindi. Na tipong kahit mawala man ang lahat ng kapraningan ko at gustuhin ko ng magkajowa, as if naman may options. Wala namang aplikante at mukhang walang nagbabalak.

Actually, naiinggit rin ako kay She. Kasi gusto kong magkaanak. Mas nakikita ko pa nga ang sarili ko na nanay kesa may asawa o may boyfriend. Mas nakikita ko ang sarili kong may baby at nag-aalaga ng bata. Pero siyempre bago makagawa ng bata, kailangan muna ng jowa. So back to the above-mentioned issue na naman.

Atsaka, sabi nga sa akin ni Jamby, be careful with what you wish for. Dahil iyon din ang gusto niya dati. At ngayon ngang may anak na siya, na-realize niya na mahirap pala. Lalo na at mag-isa lang siya. Lahat daw ng takot na nararamdaman ko, doblehin ko. Dahil this time, hindi ka raw natatakot lang para sa sarili mo. Natatakot ka na para sa anak mo. At mas mahirap daw iyon. Dahil kung sarili mo lang ang iintindihin mo, alam mong makakaya mo. Pero kapag may kargo ka ng chikiting na walang kamuwang-muwang mas nakakaloka. Dahil nakaka-guilty kapag hindi mo nakayang panindigan siya.

So I guess I am left with no other choice but to be alone. Matagal ko na rin namang na-consider ang option na ito. Sort of pampalakas ng loob. Eh, ano kung walang jowa? Okey namang single for life. Tipong Tita Chedeng ang drama. At talagang sobrang pagkafanatic ko sa kanya dahil talagang susundan ko raw ang mga yapak niya. Pero now, I am realizing na hindi pala madali iyon. Hindi pala simple lang lahat. Tulad ng buhay may lovelife, hindi lahat puro saya. Ang masaklap nga kapag tinamaan ka ng lungkot wala kang kakapitan at wala kang ibang karamay kundi ang sarili mo.

Gusto kong sabihing career muna ang focus ko. Pero kapag tinitignan ko ang career ko ngayon, medyo nadidismaya rin ako. Kasi hindi ko alam kung career nga ba itong matatawag. Barya-baryang kita. Although may mga petiks time kung minsan, nakakapagod pa rin. At parang walang pag-usad. Aliping sagigilid pa rin ako. At dahil namamayani ang katamaran ko, hanggang ngayon wala pa rin ang pangarap kong libro at pelikula. At habang lumilipas ang taon, tingin ko lalo lang natatabunan sa wishing well ang wish kong ito.

Bokyang lovelife, bokyang career. Hay! I’m so tired of being here…

0 comments: