Monday, December 10, 2007

Krismas na!

It looks like Christmas and it feels like Christmas. Nag-mall akong mag-isa kahapon. Sandamakmak na ang tao sa mall. Medyo masikip na ito. Nanood din ako ng sine mag-isa. Basta trip kong mag-isa kahapon.

Nakahanda na ang mga gifts ko. November pa lang kasi nagtiyaga na akong mamili bago pa maubos ang 13th month ko at bago pa sumikip ang mga malls. Exchange gift na lang ang kailangan kong bilhin. At ciempre ang cash gift para sa mga kapamilya. Buti na lang talaga isa lang ang inaanak ko. Hehehe!

Ayun lang medyo nababalutan na naman ako ng depression. Siyempre isa na namang Paskong malamig for me. Kung ano ko dati, iyon pa rin ako. Parang wala pa ring nagbago. Kung meron man, ay iyon ang patung-patong na stress at mas dumalas na migraine araw-araw. Gusto ko na nga isiping may tumor na ata ako sa utak sa dalas ko magkamigraine.

Wala pa rin daw payola ang mga artikulong nasulat ko na. Bad trip! Ayaw ko pa namang mag-withdraw para hindi mabawasan ang kadatungan ko. Pero mukhang ganun na nga ang magaganap. Dahil kailangang magbayad ng kautangan. Nyemas kasing papel iyan. Kung saan-saan nasusuot. It's gonna be a very busy week for me ulit. Hay! Kapag tumatanda talaga hindi nauubusan ng stress at problema.

Buti pa si Bestfriend masaya. Kasi it's her second Christmas with her lovey-dovey jowa. Hindi naman sa naiinggit ang lola mo. Masaya akong masaya siya. It's just that, sometimes her happiness creates a big wall smack right into my face. Iyong wall na may mirror tapos nakikita ko iyong reflection ko. Showing me what misery looks like. Aba, eh kung ganyan pala ang itsura ng misery, in fairness, maganda siya!

Ayan na lang ang tanging konsolasyon ko. Ang manatiling maganda sa ganitong pagkakataon. Salamat sa rebonded na buhok. Hay! Sana next year, may mangyaring maganda naman sa buhay ko. Tumama man lang ako ng isang milyon sa lotto. O kaya bigla na lang may makaisip na regaluhan ako ng isang milyon. Para makaalis na ako sa lecheng kompanyang ito at makapagliwaliw na lang. Magbabarista na lang ako sa Boracay at mamumuhay kasama ang magandang tanawin a pinong buhangin habang nagsusulat ng isang librong babago sa buhay ninyong lahat.

Minsan naiisip kong lumayo. Pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin. Sa isang lugar na hindi ko pa nararating. Iyong tahimik, simple lang lahat. Iyong malayo sa mundong ginagalawan ko. To give me a fresh start, I have to let go of the past. Everything good and everything bad about it. At sana kapag napunta ko sa lugar na iyon, wala na rin akong alaala. Para wala ng sakit. Wala ng pait. Wala ng agam-agam.

Pero marami ring bagay sa mundo ko ngayon ang hindi ko kayang iwanan. Hindi ko kayang bitiwan. Na minsang sinubukan ko pero parang mas lalo lang akong nasaktan. Moving forward is not an easy task. Dahil sa bawat hakbang ko, hindi ko pa rin maiwasang lumingon sa likuran. Hanggang sa tuluyan na akong maging asin. Sinabi na kasing wag nang lumingon eh!

0 comments: