… Ang init! Kaninang umaga naninigas ako sa ginaw. Ngayon naman nagmamantika ako sa init.
… Day 3 ng uniform week. Naks! Model employee. At hanggang anong petsa naman kaya tatagal ang pagiging masunurin kong ito? Tantya ko, isang lingo. Ano sa tingin niyo? Isang linggo dahil isang gamitin pa lang ay natatastas na ang mga tahi. Take note hiindi sila masikip. Sadyang wala lang tibay na maasahan sa kanila.
… 13th month na bukas. Yehey! Isang pang golden question ay kung hanggang anong petsa ba tatagal sa akin ang salaping iyan? Malamang na parang hanging daraan lang iyan sa aking mga palad. Pero hopefully maramdaman ko naman.
… Should I or should I not? I’ve been wanting to buy a phone. May nakita na ako. Flip phone siya pero simple lang ang features. As in kapareho lang ng features ng aking current antigong phone. Although dapat sana high-end na bilhin ko. Kaya lang hindi naman ako masyadong OC sa phone. Basta nakakatext at nakakatawag solve na ako dun. Pero nag-iisip pa rin ako.
… Uy, may isip siya!
… Meron naman no. Impulsive buyer lang talaga ko. At dahil limited lang ang aking resources, kailangan ko pang konsultahin ang aking konsensiya para sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kadatungan.
… Hindi mo naman ako kinokonsulta, ah?
… Bakit konsensya ba kita? Akala ko endorser ka lang ng sabon.
… Ang luma na po commercial na ‘yan no? Hindi ako konsensiya mo. Schizo ka lang talaga.
… Rush hour na naman sa work. Ang dami pang article na kailangan kong sulatin.
… Eh, anong ginagawa mo? Bakit blog ka ng blog?
… This is called mental exercise. Kailangan ilabas ang creative juices. Inspire ang sarili. Bago makabuo ng masterpiece.
… Pa-artist effect!
… Bakit artist naman talaga ako?
… Maarte ka lang.
… Artistahin.
… Oo pang Shake, Rattle and Roll to the Nth sequel
… Uy, Nov. 14 na. Showing na ang One More Chance. Parang gusto kong manood ng sine kaso lang wala akong kasama.
… John Lloyd and Bea? Yuck Jologs!
… Jologs bang tangkilikin ang pelikulang Pilipino? Kaya walang nangyayari sa industriya dahil tayo mismo ang nanlalait sa sarili nating likha.
… Naku, at nag-lecture na. Hala, sige manood ka na lang ng sine.
… Wala nga akong kasama.
… Edi magyaya ka ng friends. Alam mo, tama na ang pag-e-emote na Ms. Lonely Girl. Hindi ka naman lonely. You just choose to be one.
… Aba, Inglisera. Madalas kong sabihin iyan na I am alone but not lonely. Pero kapag nakakaramdam ka ng depression, mas nangingibabaw ang feeling na lonely ka.
… Kasi kinakarir mo masyado. Marami pang bagay na pwedeng mong magawa aside sa pagmumukmok.
… Hindi ako nagmumukmok. Naglalaba ako.
… Tapos?
… Nagtitiklop ng damit.
… Tapos?
… Nag-aayos ng cabinet.
… O di ba enjoy? Bakit hindi mo na rin subukang mamalantsa, magkula, mag-almirol, manahi, lahat ng may kinalaman sa damit.
… Ewan ko sa iyo ang labo mo kausap.
… Eto try mo. Try mo kayang magtrabaho. Baka yumaman ka pa. Makakaya mo nang bumili ng kausap.
… Kung dito ang magtatrabaho, uugatin na ako hindi pa rin ako yayaman.
… Eh, bakit ba kasi bumalik ka pa riyan? Di ba nag-resign ka na?
… Masama bang magbago ng isip?
… Kung pabagu-pabago ang isip mo walang mangyayari sa iyo. Kasi pati grasya malilito sa iyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment