Nami-miss kong makakita ng peryahan. Dati kasi tuwing summer at tuwing may fiesta laging merong perya. Basta may bakanteng lote, merong susulpot na perya. Iyong parang kabuting bigla na lang lilitaw. Ito ang mga panahong hindi pa uso ang Star City at Enchanted Kingdom. Kontento lang sa tsubibo at roller coaster na walang loop. Hindi pa uso ang Time Zone o Worlds of Fun. Kontento lang sa beto-beto na may rumarampang daga.
Iyong dati naming bahay sa may Bagong Ilog, ang likod nun basketball court. Tuwing fiesta, laging dun ang pwesto ng perya. Sabi ng lola ko, eversince tumira sila dun, wala pa iyong basketball court, dun na ang pwesto ng perya.
I remember hearing the story of young woman who was so enticed by the magic of perya. Lagi siyang nakatambay sa peryahan araw-araw. Nakikilaro, nakikihalubilo at nanood ng performances gabi-gabi. She ended up falling madly in love with a man who sings at the perya every night. Dahil sa sobrang pagmamahal niya, she ended up eloping with the man. Pareho nilang iniwan ang perya at nagpakalayu-layo. Doon sa isang lugar kung saan walang tututol sa kanila. Walang kontra sa nararamdaman nila.
Bumuo sila ng sariling mundo. Isang mundong para lamang sa kanilang dalawa. Walang pakialam sa sasabihin ng iba, walang pakialam sa kung anong mangyayari bukas. All they knew was what they feel about each other. Iyon lang ang mahalaga at wala ng iba.
When her parents found out, they went out to look for the young woman. They found her in the arms of the man she loves with her whole heart. Those were the conservative years of our society. At dahil nagtanan sila, they were forced to marry at such a tender age. Isang bagay na dapat sana ay katuparan ng mga pangarap nila.
But for some reason, after two years, the love faded. The marriage fell apart. They both learned that things can change. That forever is nothing more than just a myth...a story created out of fiction. And that reality tells the story in a very different way than they have imagined. It all ended with one goodbye.
At tuwing makakakita ako ng perya, lagi kong naaalala ang kwento ng dalawang ito. Ang pag-ibig na nabuo sa perya. Ngayon, hindi na uso ang perya. Lumipas na ang panahon nila. Wala ng perya. Wala na rin sila.
At heto ako ngayon. Naghahanap ng perya. Kahit na hindi naman talaga ako mahilig magpunta sa perya. Pero gusto kong sumakay ng tsubibo. Gusto ko dun sa itaas, nakatingin sa kapaligiran. Watching as reality tells my version of the story.
At mananatili ang kwento nila sa aking alaala. A memory of a father I never really met and a mother who, neurotic as she is, defines a part of me I can never ever erase.